"TADHANA"
Si Gabriel del Mundo ay nagmula sa mayamang pamilya. Ang kanyang magulang ay kilala sa iba't ibang parte ng bansa dahil sa dami ng hawak nilang negosyo, kaya naman ginagalang sila ng mga tao.
Bagama't lumaki syang sagana sa buhay, kontrolado ng magulang ang kanyang buhay. Mula sa unibersidad na papasukan, kurso na kukunin at maging sa babaeng pakakasalan. Kaya naman hindi nya maiwasan magtanim ng sama ng loob sa mga ito. At sa tuwing mangyayari yun ay nagpupunta sya sa isang karagatan sa probinsya na hindi alam ng kanyang mga magulang.
Marahang binabaybay ni Gabriel ang kahabaan ng dalampasigan gaya ng nakasanayan niyang gawin sa tuwing siya ay nahahapo sa magulong daloy ng mundo sa kaniyang paligid. Malumanay ang hampas ng alon sa dagat na hinahayaan niyang bahagyang humalik sa kanyang mga binti. Salungat sa daloy ng diwa niyang tila daluyong ng samo't-saring isipin na bumabagabag sa kaniyang kalooban. Gusto niyang malunod sa kaniyang sariling mga emosyon kaya mas ninais niyang mapag-isa. Hindi niya rin maunawaan kung ano ba talaga ang kaniyang hinahanap. O kung mayroon ba siyang hinihintay.
Patungo na si Gabriel sa bahay na tinutuluyan, nang mapansin nya ang isang babaeng naliligo. Bahagyang lumapit sya dito pero hindi sya nagpahalata.. Hindi nya maiwasang mahumaling sa kagandahan nitong taglay.
"napaka-ganda nya.." sabi sa isip.
Nagulat sya nang mapatingin ang babae sa gawi ng mga bato at napasigaw.
"Hoy! Bastos!" Sigaw ng dalaga.
Nakita ni Gabriel na may binatilyong tumakbo palayo, hinabol nila ito at nang mahuli ay pinagsabihan.
"Maraming Salamat." Tugon ng dalaga.
"Walang anuman. Gabriel nga pala."* Inabot ang kamay.
"Ysabel." sabay paalam ng dalaga para bumalik na sa kanyang tinutuluyan.
Gabi na at nagpapahinga si Gabriel nang ma-ring ang cellphone. Tumatawag ang kanyang ina.
"Yes Ma?" sagot nya.
"Nasaan ka bang bata ka?! Pinag-aalala mo kami!" alala ng ina.
"Nagtratrabaho po ako Ma. Yun naman ang gusto nyo ni Papa diba? Ang maging aktibo ako sa mga negosyo natin. May tinitignan po akong site na maaaring gamitin sa bagong negosyo ni Papa. Mga 1 week ako dito."
"Isang linggo?? Nakalimutan mo na ba, may salo-salo tayo kasama ang Fiancé mo?? Ayaw mo ba syang makilala?" naputol ang ginang nang sumagot ang anak.
"Wag na po kayong mag-alala Ma. I'm safe. I love you. Bye." sabay baba ng telepono.
Ayaw na ayaw nyang maririnig ang tungkol sa Fiancé o sa kasal nila. Laking tampo nya ng nalaman nalang na engaged na sya at ikakasal next year sa babaeng ni minsang hindi nya nakilala.
Kinabukasan. Lulusong na sana si Gabriel sa dagat ng makita nyang muli si Ysabel. Hindi sya nag-atubiling lumapit.
"Hi." -Gabriel
"Ikaw pala." -Ysabel
"May importante ka bang gagawin ngayon? " -Gabriel
"Wala naman. Bakit?" -Ysabel
"Gusto sana kitang yayain kumain. Kung ayos lang sayo." Nahihiyang tanong ni Gabriel.
"Oo naman. Magbibihis lang ako." payag ng dalaga.
At doon na nga nagsimulang magkapalagayan ng loob ang dalawa. Nalaman nilang marami din pala silang pagkakatulad. Ngunit hindi alam ni Ysabel ang tungkol sa nalalapit na kasal ng binata sa ibang babae. Hindi nya magawang sabihin dahil nahulog na ang loob nya dito. Lumipas ang ilang araw at nagtapat na ng nararamdaman si Gabriel.
"Alam ko masyado pang maaga, pero nais kong malaman mo na mahal kita, Ysabel. Ikaw ang gusto kong makasama."
"Mahal din kita, Gabriel." sagot ng dalaga.
Makalipas ang ilang araw ay nagpaalam si Ysabel na umuwi sa Maynila, utos ng kanyang magulang. Nagdesisyon rin si Gabriel na bumalik muna sa Maynila.
"Magkita tayo. Tatawagan kita." sabay halik kay Ysabel.
Mansyon ng mga del Mundo
Pagkadating ni Gabriel sa bahay, agad syang dumeretso sa opisina ng ama upang ipagtapat ang tungkol kay Ysabel.
"Saang lupalop ka nanaman nagpunta?!" singhal agad ng ama.
"Pa..may kailangan akong sabihin sa inyo." -Gabriel
"Ipinahiya mo ako sa harap ng mga balae ko. Mabuti nalang at naunawaan nila"
"Pa...ayokong magpakasal sa iba. May iba akong mahal." lakas-loob nyang sambit.
"Anong sinabi mo?! Ang lakas ng loob mo para sabihin yan!"
"Pa may mahal akong iba."
"At makakatulong ba ang babaeng iyan sa negosyo natin?!"
"Pero Pa..."
"Tumigil ka na! Hindi ko kailangan ang paliwanag mo. Umalis ka sa harap ko."
Pigil ang inis na tumalikod at nagpunta si Gabriel sa kwarto. Nagkulong nalang at sinubukan tawagan si Ysabel. Hindi ito sumasagot, naisip nyang baka nagpapahinga na ito.
Kinabukasan Tanghali na ng bumaba si Gabriel mula sa kwarto. Dumeretso sya sa dining area.
Nagtaka sya kung sino ang kasama ng kanyang mga magulang. Napatingin sya sa isang babae na nakaupo sa harap ng kanyang ina, laking gulat nya ng makilala nya ito.
"Iho, mabuti't bumaba ka na. Nais kong ipakilala ang magiging parte ng ating pamilya, si Ysabel, ang iyong mapapangasawa." pakilala ng ama.
"Anong ginagawa mo dito??" sabay nilang tanong. Hindi makapaniwala ang dalawa.
"Magkakilala kayo?" tanong ng ina ni Ysabel.
"Ah eh.." kamot ulong tugon ni Gabriel.
Lumapit sya sa dalaga.
"Pa, nais ko pong ipakilala ang babaeng mahal ko, si Ysabel." pagmamalaki nyang sabi.
Nagtaka ito, ngunit napangiti na lamang.
"Mukhang wala na pala tayong magiging problema. Maupo ka na at saluhan kami."
Nagkatinginan na lang ang dalawa na tila nagtatanong ang mga isip. Hindi sila makapaniwala na ang isa't isa pala ang kanilang nakatakdang pakasalan.
Marami silang tanong pero mas nais muna nilang pagsaluhan ang oras na iyon at maging masaya sakanilang nalaman.
Ang post na ito ay isang entry sa patimpalak ni @romeskie.
Sa totoo lang ay nahirapan ako sa pagtapos ng aking kwento dahil na rin may mga kailangan akong tapusin na trabaho. Naging challenge din ang pagsulat ng kwento na may limitadong salita lamang. Pero nais ko parin isumite ang aking akda. Sana ay magustuhan nyo pati na po kay Madam @romeskie. :)
THANK YOU SO MUCH FOR SUPPORTING AND READING MY POST!!!