Word Poetry Challenge #12 : "KALAYAAN"

@aboutart · 2018-08-07 13:05 · wordchallenge

philippines_flag.jpg Image Source

"KALAYAAN"


KALAYAAN Ang tanging sigaw ng bawat Pilipino Tanong nila, Nakalaya nga ba tayo? Kay daming pinagdaanang pagsubok Tumayo at hindi sumuko Ngayo'y nagtatanong, Kalayaan ba'y totoong nakamit ko?

KALAYAAN Oo nga't tayo'y nakalaya sa dayuhan Ngunit alipin naman sa sariling Bayan Kapwa Pilipino ika'y yuyurakan Nasaan ang Kalayaan?

KALAYAAN Ay kayang makamit ng walang dahas Basta't magka-isa ang lahat Tuwid na pamumuno ay dapat isa-batas Mapayapang pagbabago ay ating makakamtan Katarungan, katotohanan at kalayaan.


Ang post na ito ay aking unang entry sa patimpalak ni @jassennessaj na may temang "Kalayaan". Ito ay isang patimpalak na may layong lumikha o sumulat ng isang tula gamit ang salitang Tagalog. Maraming salamat sayo @jassennessaj.
DQmZigP4Np5NLVmNR1N3zbpfgfEHkTXRQiGNmh589wMKauD.gif
aboutart_.png

#wordchallenge #filipino-poetry #literaturang-pilipino #philippines #steemph
Payout: 0.000 HBD
Votes: 31
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.