Magandang araw hive friends😊
Bagong taon, bagong simula para sa ating lahat. Nagagalak akong malaman na bumabalik ang isa sa aking tambayan nuon na #tagalogtrail na ang layunin ay ang paghikayat sa atin upang magsulat sa sariling wika. Ngayon hindi ko ito palalampasin dahil mas pabor ito sa akin. Hindi rin naman madali kasi sa totoo lang iba rin naman ang aking lengwahi. Ngunit ang Filipino naman ay kayang-kaya.
Unang Patimpalak ng Tagalogtrail
Bago pa man nailathala ang patimpalak sa kumunikad, may naisulat na ako sa draft at ito ang bagay na gusto kong simulan.
Musika ng buhay.
Ito ang aking maging inspirasyon na isusulat. Susubukan kong e translate ang mga liriko ng mga awit na nagbibigay ng magandang mensahi na makakatulong upang tayo ay makakaisip ng maganda kahit pa sa magulong mundo. Gusto kong ibahagi sa inyo ang mga awit na aking nahanap sa youtube na aking pinakikinggan.
Ang awit na ito ay sigaw ng isang tao na ubos na ubos na sa mga ipanaparamdam sa kanya na siya ay may kulang. Bawat isa sa atin ay may sariling halaga na minsan di nakikita ng mga tao sa paligid. Magkulang man tayo sa bagay bagay, iyon ay dahil sa mga matataas nilang inaasahan. Sabi nga nila sa wikang English, 'You do you'. Kung ugali mo ang ihambing ang sarili sa iba ay talaga namang maging kulang ka dahil ikaw ay iba. Natatangi. Walang kapareha. Naiiba sa lahat. Huwag mo ng hayaan na ikaw ay huhugitin pababa ng mga salita nila na para sa kanila ay tama na gawin mo. Heto, bakit ka ganito, bakitnka ganyan. Hindi ko sinasabing hindi ka makininig at makiramdam, panahon na para iyong timbangin ang tama at sa mali o mga sobra. Sa ating paglalakbay sa araw-araw, ito ay biyaya. Malalaman naman natin kung sino ang totoo at hindi. Makikinig man tayo sa mga sinasabi ng iba, ating tandaan na sa huli tayo ang responsable sa mga bagay mapagdesisyonan at kung ano man ang ating tatahakin. Yong mga totoong taonsa paligid natin, sila ang ating bigyang halaga katulad ng pagbibigay nating sa ating sarili ng halaga.
Heto na nga ang awit na sinasabi ko, sana ay iyong matanto na ikaw ay sapat.
Source:
'I AM ALREADY ENOUGH' by Fearless Soul Music
https://youtu.be/kFQ7qiqm6WA
Ako ay naghahanap, hanap ang kahulugan Naglalakbay, desperadong makanap Ng mga bagay na sa akin ay wala
Sino, sino ang may sabi? Na kinakailangang hanapin ang sarili Sino, sino ang may sabi Na ako ay walang-wala pa sa simula Ako ay sapat Nasa loob na ang lahat ng kailangan Sa araw-araw ng pagising Ang puso ko ay puno ng pasasalamat Sa mga magandang bagay sa paligid Ang buhay ay biyaya Gusto ko lang magsaya sa dulot nito Sinisira, habang pilit ipinaglalaban Ako ay sapat Nasa loob na ang lahat ng kailangan
Ang paganyak ay hindi ang kung ano ang tingin nila Ako ay naging uhaw ng pagmamahal at atensyon, maling atensyon Para lang maramdaman na ako ay walang wala pa sa simula
Sino, sino ang may sabi Na kailangan hanapin ang sarili Sino, sino ang may sabi Na ako ay walang wala sa simula Ako ay sapat Nasa loob na ang lahat ng kailangan
Wala akong hahanapin Kung ang mga iyon ay gusto lang maramdaman Ako ang nakakaalam, sa mga bagay na mahala sa akin Kahit ito pa ay karupukan Masasabi ko sa sarili na ako ay mahalaga Ako ay sapat Nasa loob ng lahat na kailangan Sa araw-araw na pagising Ako ay nagpapasalamat sa ganda ng paligid Ang buhay ay biyaya, Gusto ko magpakasaya Buhay ay sinisira habang pilit ipinaglalaban
Ako ay sapat....
Maniwala kang ikaw ay sapat!
Yan lang muna sa ngayon. Hanggang sa susunod na musika na puno ng inspirasyon.
PS: Maraming Salamat @hiveph para sa donasyon para sa pagpagawa ng aming bahay na nasira ng bagyo, e update ko po kayo sa mararating ng iyong tulong. GOD BLESS US ALL.