Musika ng Buhay - "Free my Soul"

@amayphin ยท 2022-01-06 08:06 ยท Hive PH

Isang bagong araw na naman ang ating kinakaharap. Mga ingay ng mga balita ay nakakapanghihina, ngunit hindi ito panahon para tumigil at bumitaw bagkos lalabanan natin ang mga bagyo at sasayawan nating ang hampas ng hangin.

IMG_20220106_151158.jpg

Heto na naman ako sa pag bahagi ng musika na aking pinagkukunan ng lakas sa panahon ito. Musika na puno ng mensahi nagbibigay inspirasyon. Malaki ang aking pasasalamat dahil nahanap ko ang Chanel ng Fearless Souls. Bawat kanta ng kanilang ibinabahagi ay puno ng motibasyon.

Sa awit na ito, ang sigaw ng isang nilalang na may hinanakit at nagpapalumpo sa kanya upang umusad. Gusto niyang lumaya sa pagkakagapos dulot ng mga hinanakit na sa buhay ay dumadaan. Ang kagustuhag mabuhay, tunay ba mabuhay ng walang bigat na daladala. Alam na alam nya ang sulosyon nga mga iyon at yun ang magpatawad. Napakadaling sabihin pero hirap gawin. Paano nga ba ang magpatawad,paano tanggapin ang mga bagay na minsan iyong kinasusuklaman. Iba-iba ang karanasan ng bawat isa. May malalim, may mababaw. Minsan nasa kamay na natin ang sandata para butasin ang makapal na bubong upang makakita ng liwanag ngunit ang paggalaw ay di magawa-gawa. Takot. Walang tiwala sa sarili. Kulang ang paniniwala. Kung anu-ano pang negatibo ang pumapasok sa kukuti ang siyang hadlang. Tanggapin at yakapin ang nakaraan, saka ito bitawan. Kaya mo. Kaya ko.

Damhin sa puso, at magtiwalang ikaw ay makakalaya.

Source:

https://youtu.be/J7ZQl4e6A4w

"Free My Soul"

by fearless soul music

Natantong hirap magpatawad Ng dahil mas madali pa ang kumapit Hindi dahilan, sa akin ay nakakabuti

Naghahanap paano ang pagpipigil Ngunit paet at sakit Ay naging ako Tinatakpan ang tunay na pagkatao

Ang gusto ko lang ay..

Hindi pa huli ang pagbabago Bitaw! Huwag nang lumingon Ayoko ng makulong sa nakaraan Kaya.. Palayain mo ang kaluluwa Patuloy sa paglalakbay Patawarin ang nakapagpasakit Kinabukasan ang tutukan

Isa lang ang buhay Gustong bigyan ng kahulugan Tanggapin ang nakaraan Mahalin ang sarili Kaya... Palayain mo aking kaluluwa Ipagpatuloy ang paglalakbay Kahit pa iyon ang kamalian

Aangkinin ang panig ng aking istorya Tatanggapin ang mga aral Bitbitin ang mga nalalaman

Mga nasasayang na panahon, di na maibabalik Kaya.... Bakit kailangan paulit-ulit lumalaro sa isipan Kung ang mga ito ay hadlang upang sumaya Sino ako ngayon?

Hindi pa huli ang pagbabago Bitaw! Huwag nang lumingon Ayoko ng makulong sa nakaraan Kaya.. Palayain mo ang kaluluwa Patuloy sa paglalakbay Patawarin ang nakapagpasakit Kinabukasan ang tutukan

Isa lang ang buhay Gustong bigyan ng kahulugan Tanggapin ang nakaraan Mahalin ang sarili

Madali ang makulong sa nakaraan Ngunit, walang dapat maiwan sa lugar na iyon Huwag kaligtaan gumawa ng bagong karanasan Kaya, akoy magpatawad at aalamin Kung sino ako dapat ngayon. Kaya...

Palayain ang kaluluwa.....

1637814361231.gif

Yang lang muna sa ngayon. Sana ay nakakabigay ito sayo ng inspirasyon. Bilang pagsuporta sa tagalogtrail, hinihikayat ko po kayo na gumawa din ng mga post gamit ang wikang Filipino. Sabay nating guluhin ang pahina ng Tagalogtrail. Paalam, bukas ulit.๐Ÿ˜Š๐Ÿ‘Œ

#pilipinas #tagalogtrail #hiveph #filipino #musika #thoughtfuldailypost #songtranslation
Payout: 0.000 HBD
Votes: 42
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.