The lead picture was edited by Canva.
Two years ago, we celebrated our 10th wedding anniversary sa Mandarin Hotel. Hindi siya malaking party, pero para sa akin, sobrang espesyal at puno ng pagmamahal. Nag-enjoy kami sa buffet. Ang daming pagkain, pero hindi yun ang pinaka tumatak sa isip ko—kundi yung saya na magkasama kami bilang pamilya. Maliit pa ang mga bata noon. My daughter was wearing a pink dress, sobrang cute at mahinhin ang smile. Yung babies naman, nasa arms namin, at si husband proud na proud na karga sila. Habang katabi ko siya that night, naisip ko lahat ng pinagdaanan namin in 10 years—hirap at saya—at napasaya ako na nandito pa rin kami, buo.
Kasama din namin si Mama noon, kaya naging mas espesyal ang gabi. Nakaupo siya, may hawak na apo, at nakangiti lang. That moment, hindi ko alam na yun na pala ang huling anniversary na makakasama namin siya. Ngayon, kapag tinitingnan ko ang pictures, mixed ang feelings—masaya kasi kasama siya sa alaala, pero malungkot din kasi hindi na siya makakasama sa susunod. Narealize ko rin kung gaano kabilis ang panahon. Ang bilis lumaki ng mga bata, ang mga magulang naman ay tumatanda, at tuloy-tuloy lang ang buhay. Kaya napakahalaga ng mga ganitong moments. Hindi siya tungkol sa mamahaling regalo o bonggang set-up, kundi tungkol sa pagmamahalan at pagiging buo bilang pamilya. Our 10th anniversary will always stay in my heart. It reminds me na dapat pahalagahan ang mga mahal natin sa buhay, alagaan ang simpleng moments, at magpasalamat sa bawat araw na magkasama.