Paano Ba Maging Tunay na Tagasunod ng Diyos? | How to be a True Follower of God? (Fil-Eng)

@artgirl · 2025-10-03 07:21 · Hive PH

REMINDERS: Before you believe anything you read/watch online, get to know the person posting the articles/videos. (USE AN ONLINE TRANSLATOR FOR ENGLISH POST)

In Catholicism, hindi dahil bininyagan kang Katoliko at nag-first confession and communion tas nakumpilan ka na e tapos na.

Mag-ingat tayo sa mga binabasa at pinapanood dahil napakaraming tao nagpo-post online ng kung anu-ano. Kung maniniwala ka kaagad sa mga nakikita mo eh wala kang bait sa sarili.

Aray ko po. Haha. | source


May nabasa kasi ako eh... Ok na sana kasi:

  • follower siya ni Mama Mary, meaning Marian devotee
  • may devotion sa mga santo at paladasal
  • madre pala siya


Ang kaso yung mga sinasabi niya contradicting sa mga turo ng Simbahang Katoliko. Baket? Kasi:

  • pinaglalaban-laban niya yung mga turo ng Simbahan. Mas mabuti daw gawin yung isang turo ng santo kesa dun sa isa pang devotion galing sa isa pang santo. Sinabihan na nga siya ng pari na hindi dapat ganon pero sige pa rin siya sa pag-justify. MALI 'yon. (Lahat ng approved devotions ng Simbahang Katoliko can lead us to God. We can choose which ones we can do and prefer. Kung ano kaya natin e di un gawin.)

  • chineck ko yung Q&A/FAQ/About Me section niya and nakupooo. Di ko na isusulat baka magkasala na naman ako. hahaha.




‼️Ganito na lang, let us do some SELF-REFLECTION:

❎ Paano mo masasabing Katoliko ka nga kung di mo naman alam mga dapat mong alam?

Ignorance of Catholicism is not bliss. And wag kalimutan: Knowledge without developing love and mercy is not enough.

Hindi porke't nag-aral ka sa seminaryo e banal ka na. Maraming mga seminarista di nagiging pari dahil di mabitawan ang mga kasalanan.

Hindi rin dahil naging madre o pari ka na e sobrang banal ka na. Lahat tayo hangga't di pa nakakakitaan ng tunay na pagmamahal sa Diyos at kapwa consistently e makasalanan pa rin. Only God knows ano laman ng puso't isipan natin kaya pag naisip mong banal ka na, nako di ka pa rin banal. 😂

❎ Paano ka naging Katoliko kung di mo naman sinusunod mga turo ng Diyos?

Kung ayaw mo maniwala sa mga turo ng Simbahang Katoliko na itinatag ni Hesus, kailangan mo magbalikloob sa Diyos. Kung namimili ka lang ng gusto mo sundin, mali 'yon. Cafeteria Catholic tawag nila dun sa English. Wag tayong choosy sa mga maling bagay.

❎ Paano mo masasabing Katoliko ka kung bina-bash mo naman palagi ang Santo Papa?

Lahat na lang sinisiraan akala e perpekto sarili. Luh. Lalo na nung panahon ni Pope Francis nako kawawa tlga siya. Pinakakawawang Pope online imho.

source



❎ Sa tingin mo matinong Katoliko ka kung sinisiraan mo kahit isa man lang na turo ng Simbahang Katoliko pati na mga santo at mga sinabi nila?

Ano mas magaling ka pa sa mga pinili ng Diyos? Mas magaling ka pa ba kesa sa Diyos na Banal na Santatlo? Feeling pinili ka ba na ikaw ang mas may alam kesa mga santo kahit di mo naman pinag-aaralan mga bagay tungkol sa Diyos? Yung totoo???

❎ Kahit saradong Katoliko o "sagradong Katoliko" ka na may debosyon sa mga santo, kay Mama Mary, nagsisimba araw-araw at nagdadasal sa Diyos kung against ka sa mga turo ng Simbahan lalo na sa mga pagbabago ng Vatican II atbp., e alam mo nang nabiktima ka pa rin ng demonyo.

Bakit?

🙂👉 Kahit relihiyoso ka aatakihin ka pa rin ng demonyo sa akala mo tama dahil hindi mo tinatanong si Lord. Masyadong stick sa rules pero di naman sinasabuhay ang mga turo ng Diyos. Eto yung problema ng mga Pharisees noon.

🫣 👉 Sa panahon ngayon eto pa rin ang problema ng mga Kristiyanong sumusunod kay Kristo. Worst case example ay ang mga tinatawag na RadTrads or TradCaths (radical traditionalists or traditional Catholics) and pati yung mga naniniwala sa Lipa Apparition (not approved by the Church, religious fanaticism), etc.

So ngayon... after niyan, ano ba dapat ginagawa ng tunay na tagasunod ni Kristo?


☝️ Gawin natin ang mga bagay na magpapabanal sa atin araw-araw.

Kung imbes na i-work out mo pagiging banal mo, imbes magtanong ka sa Diyos at humingi ng guidance, imbes na magdasal araw-araw at magkumpisal ka madalas e mas nagtitiwala ka sa sinasabi ng ibang tao at mga nauto ng demonyo, problema yan. Marami sa atin ganyan. Mas naniniwala sa mga sabi-sabi kesa magtanong sa Diyos at ayaw sumunod sa mga official decrees na sinabi ng Santo Papa. Luh.

source


Yes we can question everything but ultimately kailangan natin magtiwala sa Diyos, kasi hindi tayo magaling. Kung feeling mo mas magaling ka sa kapwa mo, dun pa lang talo na tayo ng demonyo. Lahat tayo may kanya-kanyang talento at kahinaan pero di ibig sabihin pwede na natin maliitin ibang tao. Sakit natin 'to eh, mahilig magmagaling.

Yes mahirap magtiwala sa Diyos dahil hindi naman tayo sanay. May nagtuturo ba na magulang sa mga anak na magtiwala tayo sa Diyos sa lahat ng bagay? Ikaw ba tinuruan ka ng magulang mo na mag-isip ng ganun? Hindi naman di ba? Kaya dapat matuto tayong magtiwala sa Diyos imbes sa kapwa at dasalin natin lagi ang Praises to the Divine Mercy.




❓ Paano malalaman sino mga dapat pagtiwalaan?

Sabi ni Hesus, you will know kung sino ang tunay Niyang alagad at mga tagasunod sa mga bunga nila. And nalaman ko sa dami ng binasa/napanood ko from mga pari and lives of saints - Ang MGA SANTO ay may TATLONG KATANGIAN na wala sa marami sa'tin:

👉 Masunurin (sa Diyos at mga namumuno sa Simbahang Katoliko mismo o sa parokya/congregation, sa mga turo ng Simbahan) 👉 Mapagkumbaba
👉 Mapagmahal sa kapwa




🤔 So ano ba mga pwede natin gawin para maging tunay na tagasunod ni Kristo?

✅ Magdasal araw-araw

Angelus/regina coeli, 3 o'clock prayer, rosary, Divine Mercy chaplet, bahala ka na ano trip mo. Tanong mo si Lord pwede rin.

✅ Magbasa ng Pagsusuri ng Budhi at magsisi sa mga kasalanan tas magkumpisal sa pari.

Magdasal bago basahin ang Pagsusuri ng Budhi kung balak mo magkumpisal. Pray then do examination of conscience bago matulog.

Nawala na yung live mass video sa FB dahil tinatanggal na ng FB kaya no more video source link. But here's another version as source


.

✅ Magkumpisal ng madalas

Pwede 'to weekly, bi-monthly or monthly, choose your weapon na lang. Read related post: Weekly Sacrament of Confession? | 3 Misconducts to Avoid!.

✅ Basahin natin ang Bibliya at kilalanin Siya ng lubusan.

Kung tamad magbasa, magsimba araw-araw (imho, make sure nakapag-general confession ka na bago mo gawin 'to). Meron ding mga videos ng readings and Gospel of the day explained by priests/nuns, un pwede panoorin kung ayaw magbasa.

✅ Alamin ang mga turo ng Simbahang Katoliko sa mga bagay-bagay na ginagawa natin sa buhay.

Again, ignorance of Catholicism is the favorite trick of the devil. Gamitin nyo rin yung mobile data at WiFi nyo para sa mga magdadala sa inyo sa Langit huy!

✅ Always visit Jesus in the adoration chapel.

Wag kang magtiwala sa sarili mo kasi we are flawed by Original Sin. Seek God's counsel first palagi in everything we do and plan to do. Ask Him questions and listen in the silence. Bask in His glory and adore Him din pag may time. ❤️

Nawala na yung live mass video sa FB dahil tinatanggal na ng FB kaya no more video source link. But here's the album photos on that day.



✅ Magsimba kada Linggo at Holy Days of Obligation.

Bago magsimba, prepare yourselves muna. Basahin na yung readings and Gospel of the day. Or manood ka ng First Things First ni Bishop Pabillo/TV Maria and Word of the Day ni Fr. Richard Lagos. Gusto mo yung sa Paulines TV pa pwede rin. Meron din Salita ng Buhay ang TV Maria, kumpleto na yun.

Pagdating sa simbahan, magdasal at magpasalamat. Also sabihin kung para saan ang pagsisimba mo, set an intention: for the sick and dying, for the souls in purgatory, for the conversion of sinners, sanctification of priests, etc. Gusto mo lahat na yan pwede rin naman. The more the merrier hahaha.

🙏 Marami pang iba pero malalaman nyo na iba pa pag ginawa nyo mga yan.

Isa-isahin nyong gawin mga yan at nang makita nyo kung ga'no kaganda buhay Kristiyano. 🥰



Ayun lang po. Ano na ba ang mga ginagawa nyo dyan at may madadagdag pa ba kayo? Share nyo lang sa comments. 😁🙏 God bless you.

#hive-188409 #hiveph #christian #life #truth #challenge #neoxian #philippines #spirituality #reality
Payout: 0.128 HBD
Votes: 30
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.