*
Ang maging isang ina, Ay puno ng hiwaga Minsan aligaga,Minsan naman ay balisa Laging nangangailangan ng asawang dakila Upang magampanan ng tama ang gawa
*
*
Kahit madalas masakit ang likod Ngiti mula sa bata ay tunay na nkakahagod Kahit maghapon pang kami ay kumayod Yakap lang mula kay totoy, tanggal na ang aking pagod
*
*
Patawad aking anak, kung minsan saโyo ay nayayamot, Dala lamang siguro ng iyong pagkaMalikot, Pag may dalaw pa utak ay baluktot Kaya wag na wag ang kay nanay ay matatakot
*
*
Buong buhay ko hangad ko ay magkatitulo Sa trabaho at pamilya ako ay iniidolo Ngunit iba na, ng dumating ka Totoy Ko Wala ng mahalaga pagkat ikaw ang buhay Ko.
*
*
Salamat po Diyos Ko sa Tiwalang binigay Mo Ipinagkatiwala sa akin ang batang ito Salamat din sa asawang pagmamahal ay totoo Hiling ko na lang po kalusugan namin ay Gabayan Mo.
*
Have a great day everyone, Spread ๐๐๐