“Di Mo Ba Pansin“
Isang orihinal na akda
Heto na naman ako Nakaupo habang nakatitig sayo Ewan ko ba Ako’y tinamaan na talaga
At heto ka na naman Tumatawa ng walang kaalam alam Walang alam na may isang katulad ko Na nagnanakaw ng tingin sayo
Sapat na rin ito sa akin Na ako’y hanggang tingin Kaya nga nung lumapit ka sakin Parang nanalo na rin
Ano bang ginawa ko sayo Bakit ba pinapadali mo ang pagtibok ng puso ko Sandali lang pwede bang itigil ang mundo Gusto ko sanang kuhanan ng litrato ang pangyayaring ito
At yun nakakuha nga ng litrato natin sa aking isipan Ngunit bigla nalang pinalitan nang ako’y nasaktan Meron ka palang gustong iba Kaya ako’y nagdesisyong ilusyon ko’y iwala
Heto na naman ako Nakaupo habang nakatitig sayo Nagtatanong ng palihim sa iyong puso Di mo ba pansin ang mga tingin ko?
Di mo rin ba pansin ang pagtibok ng puso ko nung lumapit ka? Di mo rin ba pansin na mahal kita matagal na? Di mo rin ba pansin ang pusong lumuluha nung nalaman kong may gusto kang iba? Di mo rin ba pansin na ako’y lilisan na?
Isang orihinal na akda ni @gg-joegi, sana’y naibigan niyo.