‘Di Na Mababawi | Isang tula

@gg-joegi · 2018-07-03 10:34 · literaturang-filipino

99712A5A-10B0-4599-ACF0-FE79708F52BD.jpeg Photo Source

“Di Na Mababawi” Isang orihinal na akda

Di na mababawi Ang mga oras na hinayaang lumipas Di na mababawi Ang mga larawang kumupas

Di na mababawi Ang mga salitang binitiwan Di na mababawi Ang mga kinunan mong larawan

Di na mababawi Ang mga nakatanim mong alaala Di na mababawi Ang mga pangako mong nagpaasa

Di na mababawi Ang mga luhang tumulo na Di na mababawi Ang iyong pagkawala

Tiyak nga na masakit ang pagsisisi Dahil alam mong ikaw ay nasa huli Dahil alam mo na ikaw ay naging sawi Dahil alam mong di mo na mababawi muli


Ito po ay isa sa mga orihinal na tula na ginawa ko, sana ay iyong naibigan.

#literaturang-filipino #philippines #untalented #filipino-poetry #steemph
Payout: 0.000 HBD
Votes: 4
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.