### Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! ๐
Nandito na naman ako upang magbahagi ng aking panibagong repleksyon na bagamat medyo matagal-tagal na din po noong huli kong ibinahagi at labis ang aking pasasalamat dahil sa walang sawang pag suporta sa aking mga repleksyon.
Ngayon nga po ay isang magandang topic ang ating pag-uusapan at ang tanging dalangin ko lang ay marami tayong matutunan at maibahagi ko nang wasto basi sa kung ano ang aking naintindihan, tanging ang Dios lang ang magbibigay sa atin ng kaalaman.
Ang pamagat nga ng topic na ating bibigyang repleksyon ay, ***"ANG HALAGA NG BUHAY NG TAO SA MUNDO"***. Magandang talakayin ito dahil malalaman natin kung ano ngaba ang ating halaga sa mundong ito.

Marami na din akong nabahagi dito at labis akong nagpapasalamat sa lahat ng mga aral na aking natutunan, at ngayon isang mahagalang usapin ang ating tatalakayin, ang sisimulan natin ito sa tanong, *Ano ngaba ang ating halaga sa Mundo?*
Isa itong maikli pero mahalagang tanong dahil tayo ay nabubuhay at patuloy na sumasabak sa hamon ng buhay, at sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, maaring dumating sa ating isipan kung ano ngaba talaga ang ating halaga.


|
|-|
Tungkol sa tanong kung ano ngaba ang ating halaga sa mundong ito, magandang pagbasihan natin ang Salita ng Dios dahil dito natin makikita ang kung ano ngaba talaga at kung ang ang totoo.
Ating mababasa dito na ang panahong ito ay siyang katapusan, at hindi natin ito maikaila dahil itona talaga ang ating nararanasan sa mundo ngayon, kung kaya dapat tayong maging tapat at sundin natin ang kanyang mga utos, sapagka't ito ay ang buong katungkolan ng tao.
Lahat ng bagay sa mundo ay ginawa ng tao na meron magandang gamit o kabulohan, upang makatulong sa mga tao sa lahat ng mga ginagawa nito. Isang magandang halimbawa na ibinahagi ay ang isang silya. Ito ay ginawa upang upuan at para maging maganda ang sitwasyon ng isang tao, kung kaya naging mahalagang kagamitan ang silya.
Ganito din tayong mga tao, ang ating katungkolan habang tayo ay nabubuhay pa sa mundong ito ay ang sumunod sa Kanyang mga utos, at huwag nating kalimutan na tayo ay matakot sa Dios, hindi sa tao.


Isa din sa naibahagi na magandang halimbawa ng kung gaano ngaba kahalaga na ang isang bagay ay mayroong gamit o katungkolan, at ito ay ang isang damit.
Alam naman natin na isang mahalagang kagamitan ang damit, mula sa pag gawa nito hanggang sa maisuot ito at kung masira man ito ay bubuoin natin muli dahil mahalaga ito sa atin at meron itong magandang maitulong sa ating pamumuhay, at bagamat sa huli ay nagiging basahan ito, magagamit pa rin natin.
Ganito din tayo sa Dios, ang katungkolan natin sa Dios na dapat hinding hindi mawala hanggang sa dulo ay ang magkaroon tayo ng takut sa Kanya at sumunod tayo sa Kanyang mga utos.
Tayo ay napakahalaga sa Dios na kahit ano pa ang mangyari sa atin ay hinding hindi Niya tayo pababayaan at mawala sa Kanya, ang gusto lang Niya ay matakot at sumunod lang tayo sa Kanya.


Ngayon, sa aking pakikinig at panunuod sa aral na ito, aking pasasalamat sa Dios dahil nagpa-alala ito sa akin na meron talagang langit at ang gagawin natin upang mapunta sa langit ay, magkaroon tayo ng takut sa Dios at ang pag sunod sa Kanyang mga aral.
Lahat naman tayo na namumuhay pa sa mundong ito, ang tanging dalangin natin ay ang mapunta at mamuhay sa langit kasama ang Dios, kung kaya habang tayo ay nandito pa sa mundo, dapat maging tapat tayo sa Dios, at mamuhay ng husto kasama ang pananampalaya na merong takut sa Dios at sumunod sa Kanyang mga utos.
Ngayon naman para sa aking huling repleksyon o masasabi sa leksyon o topic na ito, tanging masasabi ko lang ay habang tayo ay may buhay pa, tayo ay may pag-asa.
Ang gagawin natin ay maniwala sa Dios at mamuhay na kasama, na mayroong takut sa Kanya, at higit sa lahat upang tayo ay maka punta sa langit, mamuhay tayo na patuloy na sumunod sa Kanyang utos at magagawa lamang natin ito kung tayo ay magbabasa ng Kanyang mga Salita.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, ***"ANG HALAGA NG BUHAY NG TAO SA MUNDO"***, at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
## To God be all the Glory! ๐๐โ๏ธ
***Your Friend***
*@godlovermel25*
https://youtu.be/ZcFcvbE_IxA?si=9cuZP8LU720VPKwz
---


*Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.*
MCGI TOPIC REVIEW: ANG HALAGA NG BUHAY NG TAO SA MUNDO ๐๐๐
@godlovermel25
ยท 2025-07-23 10:16
ยท MCGI Cares Hive
#hive-182074
#mcgi
#hiveph
#wordofgod
#waiv
#neoxian
#creativecoin
#palnet
#lifescape
#philippines
Payout: 0.000 HBD
Votes: 39
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.