### Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! ๐
Nagsimula na nga tayo ng bagong buwan at nandito na tayo sa buwan ng Agusto at labis ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa walang sawang pagmamahal Niya sa akin at sa ating lahat.
Ngayong araw nga na ito, magbabahagi na naman ako ng aking panibagong repleksyon para sa buwan na ito mula sa isang napakagandang topic dahil ito ay talagang nakaka tulong sa atin lalong lalo na sa ating pananampalataya sa Dios. Ang pamagat ng ating pagbibigyang replekayon ay, ***"Lahat ba ng tao ay Matatawag na Anak ng Dios? "***
Bago ako magsimula, pahintulotan ninyo muna akong magpa salamat, unang una sa Dios, sa mga Admins ng Community at sa mga Curators.

Kung ating titignan dito sa mundong ating tinitirhan, maraming mga iba't ibang uri ng mga tao, merong mayaman at mahirap, lalake at babae, mabubuti at masasama, pero sa tanong, lahat ba ng tao ay matatawag na anak ng Dios?
Isang malaking tanong na sa tulong ng pag-aaral natin ngayon at sa tulong ng Dios ay ating sasagutan. Medyo mahirap nga ang tanong na ito pero kailangan natin itong masagot.


Upang masagot ang tanong, masasabi lamang natin na tayo ay anak ng Dios, kapag tayo ay sumusunod sa utos ng Dios. Maraming mga pagkakataon na tayo ay inuotusan ng Dios at malalaman lamang natin ito kung tayo ay magbabasa ng Salita ng Dios.
|
|-|
Tayong lahat ay templo ng Dios at dito sa atin mananahan ang Dios kung kaya kailangang tayo ay magsihiwalay sa mga bagay na marumi o mga bagay na nakakarumi upang tayo ay tatanggapin ng Dios.
Walang kahit na ano o sino man ang tatanggapin ng Dios na marumi at ang tanging paraan upang tayo ay maging malinis ay ang pag sunod sa mga utos ng Dios. Hindi tayo magiging anak ng Dios kung sa pagsunod ng Kanyang mga utos ay hindi natin magagawa.
Kapag tayo ay susunod sa utos ng Dios, ang Dios ay ating magiging Ama at tayo'y kanyang maging anak. Malaking bagay na ibibigay ng Dios ang Kanyang mga utos sa pamamagitan ng Kanyang nga Salita na nasa Bibliya, kung kaya panatilihin nating magbasa at unawain ang bawat salitang ating nababasa.


Ngayon kung ating tatanongin, paanong hindi tayo matatawag na anak ng Dios, ating basahin ang Salita ng Dios sa **Juan 8:44**;
|
|-|
Ang mga taong hindi sumusunod sa utos ng Dios at mamamatay tao ay hinding hindi matatawag na anak ng Dios kundi anak ng diablo, bakit? Dahil walang kahit na masama o mga taong hindi sumusunod sa utos ng Dios ang makakapasok sa langit.
Kung ating babasahin intindihing mabuti, isang malaking kasalanan sa Dios kung tayo ay hinding hindi susunod sa kanyang mga utos at tayo'y maging anak ng diablo na kung saan puro kasamaan ang ginagawa dahil alam natin na ang diablo ang ama ng lahat ng kasamaan.
Ngayon para naman sa aking huling masasabi o repleksyon, ang aral o topic na ito ay nagpapa-alala sa akin na palagiang sumunod sa mga utos ng Dios at mamuhay na kasama ang Dios upang walang kahit na ano mang kasamaan o karumihan ang makapasok sa akin habang ako ay nabubuhay, upang ako ay tatawaging anak ng Dios o tatanggapin ng Dios.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, ***"Lahat ba ng tao ay Matatawag na Anak ng Dios? "***, at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
## To God be all the Glory! ๐๐โ๏ธ
***Your Friend***
*@godlovermel25*
https://youtu.be/DfdWCG0O6nQ?si=MO1unF0_gbGWoLWL
---


*Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.*
MCGI TOPIC REVIEW: Lahat ba ng tao ay Matatawag na Anak ng Dios? ๐๐๐
@godlovermel25
ยท 2025-08-06 12:40
ยท MCGI Cares Hive
#hive-182074
#mcgicares
#reflections
#mcgi
#wordofgod
#neoxian
#palnet
#creativecoin
#waiv
#lifescape
Payout: 0.000 HBD
Votes: 24
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.