### Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! ๐
Isang magandang pagbati lalong lalo na sa Community Admin dahil sa walang sawang pagsuporta sa akin, dahil sa nakakatanggap din ako ng suporta kahit na sa iba kopang mga Blog Post, dahil diyan labis ang aking pasasalamat sa Dios at sa inyong suporta.
Ngayon nga ay magbabahagi na naman ako ng aking panibagong repleksyon para sa isa sa mga naibahaging Video ni Bro. Eli Soriano sa YouTube Channel ng MCGI, at salamat sa Dios sa mga aral na aking natutunan.
Ang aking bibigyang replkensyon ngayon nga ay meron pamagat na, ***"Mga Dapat Gawin Upang Ikabuti Natin Ang Lahat Ng Pangyayari"***.

Ang topic nga na pag-uusapan natin ay napaka ganda dahil nga sa tumutukoy ito sa kung ano ang dapat nating gawin para ang lahat ng mga pangyayari sa atin ay nakakabuti sa atin.
Alam naman natin na habang tayo ay nabubuhay sa mundong ito, maraming mga bagay o kaganapan ang mangyayari sa atin lalong lalo na ang ating pamumuhay kasama ang Dios. Habang tayo ay may buhay maaaring merong mga masama at mabuti ang mangyayari sa atin.


|
|-|
Ating mababasa sa salita ng Dios sa itaas na ang lahat ng mga bagay na nangyayari sa atin ay para lamang sa ating ikabubuti lalong lalo na yong mga taong nagsisiibig sa Dios.
Walay bagay o pangyayari sa ating buhay na nakakasama sa atin kahit na siguro kung ating titignan para sa atin ito ay masama, pinahintulotan ito ng Dios para sa ating kabutihan.
Ang maibigay natin na halimbawa nito ay kung tayo ay nagkaroon ng trabaho magpasalamat tayo sa Dios, kung sakaling mawalan tayo ng trabaho, magpasalamat pa rin tayo sa Dios dahil merong mas magandang plano ang Dios.
Marahil ay nakakasama ang trabahong ito para sa atin o merong mas magandang trabaho ang parating. Sa lahat ng bagay o pangyayari ay nararapat lamang na ipagpasalamat natin sa Dios.

Magandang malaman natin na ang aral na ito ay isang kaalamang Kristyano, na dapat tayong lahat na nagsisiibig sa Dios ay malaman ito. Hinding hindi tayo bibigyan ng Dios ng mga pagsubok na hindi kaya kung kaya dapat palagi tayong magpasalamat sa Dios sa kahit na ano mang pangyayari sa ating mga buhay.
Kung sakali mang meron tayong nararansang pagsubok sa buhay ngayon, itong lahat ay parte na nang ating buhay dahil nandito pa tayo sa mundong ito, pero magpasalamat pa rin tayo sa Dios dahil alam naman natin na hinding hindi tayo pababayaan ng Dios.
Handa ang Dios na tumulong sa atin dahil hindi papqyag ang Dios na mapahamak tayo, ganyan tayo kamahal ng ating Dios na buhay.



|
|-|
Isang magandang paalala din sa atin na habang tayo ay nabubuhay sa mundong ito, manuhay tayo kasama ang Dios dahil dito sa mundo, maraming mga taong namuhay na walang Dios at makikita natin na ang kanilang buhay ay puro pasakit at masama ang nangyayari, pero mapalad tayo kung mabuhay man o mamatay na kasama ang Dios.
Kung kaya palagi tayong magpasalamat sa Dios kahit na kung minsan papaluin o merong masamang mangyari sa atin ito ay para sa kabutihan natin, basta panatilihin lang natin ang ating pagibig at pananampalataya sa Dios dahil itong lahat ay para sa ating kabutihan.
Para naman sa aking huling masasabi sa topic na ito, talaga namang labis ang aking pasasalamat sa Dios dahil ito ay nagtuturo o nagpapa-alala sa akin kung gaano talaga ako at tayo kamahal ng Dios. Bagamat maraming mangyayari sa ating buhay mapa mabuti man ito o masama, itong lahat ay para sa ating kabutihan dahil mahal tayo ng Dios at hinding hindi Niya tayo pababayaan, at kung kaya itong lahat ay ating ipagpasalamat sa Dios lamang.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, ***"Mga Dapat Gawin Upang Ikabuti Natin Ang Lahat Ng Pangyayari"***, at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
## To God be all the Glory! ๐๐โ๏ธ
***Your Friend***
*@godlovermel25*
https://youtu.be/dUo3R4K3Nhg?si=ZFJ2ebNeUB4h5s61
---


*Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.*
MCGI TOPIC REVIEW: Mga Dapat Gawin Upang Ikabuti Natin Ang Lahat Ng Pangyayari
@godlovermel25
ยท 2025-09-08 12:15
ยท MCGI Cares Hive
#hive-182074
#mcgicares
#reflections
#mcgi
#wordofgod
#neoxian
#palnet
#creativecoin
#lifescape
#waiv
Payout: 3.798 HBD
Votes: 24
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.