Pakiusap

@huhugotsigee · 2021-12-12 03:43 · poem

1_ms_Dacti8WmvMeInLoaRNA.jpeg

Pakiusap ko sayo wag ka ng magbabalik, Dahil hindi na ko tulad ng dati na sayo'y nasasabik. Bigla nalang nawala, Ang dating ako na sabik kang makita.

Pakiusap ko sayo wag ka ng magtanong, Dahil wala kang maririnig kahit na pa-bulong. Ayokong ikaw ay saktan pa, Dahil sa wala na akong nadarama.

Ayoko ng magsalita, Dahil ako man ay ayoko ng marinig pa ang iyong mga salita. Ako'y layuan mo, Dahil matagal ng naglaho ang nadarama ko para sayo.

Source of image: https://medium.com/the-ascent/the-importance-of-letting-go-3eeb1a802150

#poem #tagalog #ocdb #philippines #love #life #story
Payout: 0.000 HBD
Votes: 13
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.