
O aking ama,
labis ang aking nadarama,
Sa iyo'ng paglisan,
bit-bit ang sakit na dinadama.
Sakit sa puso'y hindi ma-intindihan,
Sa pagkawala mo'y sapilitan.
Sa pag tulog, boses mo ang aking naririnig,
Sa pag-gising iniisp na ito'y panaginip.
Sa may kapal ay aking hinihiling,
Na sana'y muli kang makapiling.
Pagbabalik tanaw ng ating magagandang ala-ala,
Tinatanaw ko hangang sa pinaka dulo ng mga tala.