"Word Poetry Challenge #2 : Huling Sayaw"

@itsmejayvee · 2018-05-17 16:18 · wordchallenge

Screenshot_20180517-223953-01.jpeg

di ko inakala .... at nakita kita sa tagpuan ni bathala may kinang sa mata na di maintindhan tumingin kung saan sinubukan kong lumisan at tumigil ang mundo nung ako'y ituro mo .. Sya ang panalangin ko.


__*

HULING SAYAW Noong gabing iyon, noong ang musika at ilaw lamang Ang bumubuhay sa paligid, Ang mga tao ay abala sa sulok At lagalag sa apat na dingding. Ang tao ay naghanap ng pag-ibig Sinabayan ang awit ng musika Kumausap at humiling, Maaari bang bigyan mo ako ng sayaw sa pag-ibig kasabay ng tadhana ni Bathala? Sumagot ang pagmamahal, Maibibigay ko ang iyong gusto Kung tatangapin mo ang kapalit kong hiling. Kailangan mong suungin ang sayaw ng sakit sabayan mo ang sayaw ng tinik sa awit At kailangan ay hindi ka madapa sa lungkot. Tinanggap ng tao ang alok na sugal, Sinuyo ang bawat saknong kahit pagal At nang matapos ang sayaw na sugal sayaw na puno ng pighati at pagsisisi sa dulo ay kasama nya ang pag-ibig. Sabay nilang inawit ang panibagong ritmo ng saya Ang bawat taludtod ng ligaya, Ngunit sadyang mapusok ang tadhana Ang pag-ibig ay naging huwad Galit,sinungaling,malihim At nawala ang tiwala ng nagmamahal sa bathala Dumilim ang langit na dati’y puno ng saya Pinagkait ang ngiti’t hindi na maigalaw ang mga paa, Kasunod nito ay dumating ang malungkot na sayaw Ng pamamaalam at nalunod ang mga mata sa luha. At matapos ang unang sayaw ng sigwa Kasabay ang puso sa nasira Kabilang ang tiwala sa nawala. Ang taong nagmamahal ay muling sumayaw mag-isa Ngunit pagkatapos dumatal ang unang sayaw ng sakit Kasabay ng gabing walang kasing ginaw At sa wakas sasayaw muli sya Muling humingi ng huling sayaw sa tadhana Sasayawin muli ang sakit at hihingi ng pag-asa kay bathala Ngunit sa ngayo’y huli na. Ang taong nagmamahal ay pagal na Maaring ito ang huling sayaw na hiling At sa bathala’y muling dadaing Susundan ang pagtanggap sa minamahal ngunit, Hindi ba’t walang magmamahal kung walang pagmamahal.

*__

24.png

narito po ang piyesa ko sa patimpalak ni @jassennessaj ito po ay orihinal kong likha at naaayon sa aking nararamdaman. Ito po ay patungkol sa isang nagmamahal na sumubok magmahal ngunit nasaktan dahil sa pagkawala ng tiwala at muling susubok magmahal kahit halos nawala na ang pagmamahal sa kanya. Inaalay ko po ito sa iisang babae sa buhay ko ngayon. salamat po sa patimpalak na ito at nailahad ko itong emosyon na ito.

#wordchallenge #pilipinas #literaturang-filipino #steemit-antipolo #steemitph
Payout: 0.000 HBD
Votes: 20
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.