Aquil Martin’s POV
How dare him to enter in this school? Did he do his research? He must be in jail, rotten in jail! How could he and his family were free? They were one of the suspects in those years, and no doubt since they were just the only one competitor! The only one competitor of our company and some evidences were matched on them!
Nakakainis!
Isa pa si Eurich, akala mo naman kung sinong magaling na presidente, pabibo masyado, naiinis ako sa kanya.
Ang daming arte. Kung ibang class president na iyon, lagi akong sinusulatan ng mga written outputs ko. Pft.
And what again? They are cousins?! No wonder why my bloods are boiling at them!
“Par, chill lang.” bulong ni Billy at tinapik ako sa balikat
“Bakla ka ba?” sabay tingin ko sa kamay niyang nakapatong sa balikat ko. “Alis…” sinenyas kong alisin niya ang kamay niya doon.
“Huh! Ang tigas talaga ng puso mo. Huwag kang magpapasama sa akin mamaya ah?”
I'm not a friendly person, I can only be close to those people I’ve known for so long like Vallejo cousins, a bit to Hernandez siblings and to my only girl… Aesheyn.
But I do appreciate Billy for being true to me, Nakilala ko siya noon pa pero ngayon lang kami nag kaklase, at dahil makulit at madaldal siya, medyo hindi kami magkasundo.
Napatingin ako kay Jihu na madilim ang tingin kay Eurich. I clenched my fist and walked out.
Sana nag STEM nalang ako…
I want to pursue my dream of becoming singer and be a doctor, but because I live in family where business is life, I got to enter in this room, tss. Sana nalaman ko agad na dito rin papasok ang korpil (korean-pilipino) na yun.
_
Park Jihu’s POV
I think this was all set up! After I’ve told the story between me and Eurich, I think my parents set this up para magkaayos kami.
Pero sa tigas ng ulo non? Uh! I doubt it.
Pero hindi naman yata set up ang case namin ni Aquil? I think he's being too much again, he's pointing our family without proper evidences. He should be the one must in jail. Sinisira niya ang reputasyon ng kompanya dahil sa mga bintang niya.
Hindi pa ba sapat na dahilan sa kanya na paniwalaan na biktima rin kami sa kidnapping na yon 10 years ago? Those sindicates used some of our properties and police men found out those then they pointed us with some evidences found in house. Pero hindi naman sa amin ang mga yon, we were just victims.
At ang masakit pa, nawalan na nga kami ng mahal sa buhay ay patuloy pa rin sila sa pagbibintang. Was it because our company was their biggest competitor? And some evidences founded in our properties na hindi naman namin iyon ginalaw. I thought someone was sabbotaging us that time, hindi niya ba iyon napansin?
I sighed and looked at Eurich. She's still the same, smart, confident, happy, and a bit strict when it comes to study.
Pero kumuyom ang kamay ko noong naalala ko kung anong ginawa niya.
Bakit dito pa ako napadpad? Kailan ko pa malilimutan ang mga mukhang yon kung palagi ko nang makikita mula ngayon.
This is annoying. Disgusting.
_
Jamila’s POV
Dalawang araw na ang nagdaan at hindi ko alam kung saan nila hinuhugot ang mga galit nila. Sila yung biglang nag exist sa classroom na bigla na lang magsusuntukan.
I admit that this Jihu Park does have a nice appearance. He is completely handsome from face to his body. May pagka chinito siya, perfect ang jawline niya, matangos ang ilong at mapupula ang labi niya! At sa katawan niya? Sakto lang sa matangkad niyang height, hindi siya masyadong mascular pero hindi naman siya payat. His body is just in a middle, completely handsome!
Madali lang sanang magpatulong kay Eurich para mapansin nitong si Mr. Chinito pero mukhang hindi magkasundo ang magpinsan…
And why I'm thinking this? Loyal ako kay Vlad no. Hehe.
Kayo ba, Jamila? Hindi. Pero I'm loyal to my crush hehe.
“Uy halla, nakakainis.” rinig kong nanggigigil si Hyena sa gilid.
“Ano yan?” tanong ko
“Pabitin yung writer! Nag meet na nga sila eh.”
“Tsk, nagbabasa ka na naman? Ano ba yang binabasa mo?” kunot noong tanong ko, kasi nakakainis naman. Iniisip ko si Vlad, tas biglang
“Yung ‘Please Remember Me.’ by Ms.Trios.”
“Ano bang kwento niyan?”
“The girl was bound to marry the boy, they got engaged at the young age. As in! Young age, pero nagkahiwalay sila dahil sa isang insidente. Pero noong nag meet na sila… naku! Wait for season 2 daw huhu.” aniya at napangisi na nalang ako.
“Ewan ko sayo, Hyena. Nakakainis ka sinira mo yung emote ko haha.”
“Oh eh bakit? Iniisip mo na naman si Vlad? Naku! Hindi ka mapapansin non!”
“Well, nagresearch lang naman ako kanina, at nakita kong hindi naman magkalayo ang mundo namin, bleh! HAHAHA”
“Oh eh ano namang niresearch mo?”
“Na… na ano, nakasama na pala namin sila sa isang business convention noon.” nangingiti kong sabi habang inaalala iyon.
Oo, may picture pa nga kami ng fam niya at fam ko, pero medyo matagal na yon, 2 years passed, I guess. Haha.
Pero sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay binatukan ako ng kararating lang na si Eurich.
“Anong iniisip mo at may pangiti ngiti ka pa jan ah?”
“Hoy bhe! Palibhasa hindi ka pinapansin nong crush mong Hernandez eh.” nakabusangot kong reklamo. “Eh iniisip ko kasi si Vlad!”
“Hyena, pagsabihan mo yang kaibigan mo.” utos pa niya kay Hyena. Sows.
Pero sa kalagitnaan ng kulitan namin ay biglang umingay sa labas, napatingin naman kaming tatlo doon at….
What a bless day!
“Anjan yung Vallejo cousins. Hihihi!” nangingiti kong sambit, natigil naman si Eurich.
“Ah? Hahaha, anjan pala yung crush mo oh?” sabay turo ko kay Denmar pero nakatingin na pala siya doon.
“Alam ko! Wag mo ng isigaw!”
“Woah? So inamin mo?” tanong ni Hyena kay Eurich.
Oo nga no? Hindi siya umangal, so inaamin niyang crush niya si Denmar?
“Aaackk! Inlove si Eur---!” bago ko pa masabi yun ay tinakpan na niya ang bibig ko.
Walang hiya! Nakatingin pa naman si Vladimir sa direksion namin!
Sino nga bang ipinunta nila dito? Si Kryzza ba o si Aquil?
Minsan talaga masarap makipagkaibigan kay Kryzza, baka mapaglapit niya pa kami ni Vlad. HAHAHA.
Kaso mukhang may sariling mundo itong si Kryzza, honor student siya pero tahimik lang sa gilid, maganda siya hindi ko yon itatanggi, maraming nagkakagusto pero no pansin siya.
At close pa siya sa Vallejo cousins? Sana ako nalang siya, hehehe.
Tss.
Natawa nalang ako sa iniisip ko at bumaling ulit sa labas.
Lahat sila ay nakatingin kay Jihu…
“What’s in between them?” pabulong na tanong ni Eurich na ipinagtaka ko naman.
“H-hindi mo alam?”
Umiling siya at tumingin ulit sa labas.
“Baliw magpinsan kayo ni Jihu, dapat alam mo.”
“Hah...” medyo naiinis na singhal niya. “Sa tingin mo magsasabi yon? Baka malihim yon!” galit na galit niyang sabi at padabog na umupo sa upuan niya.
Hmmp, anong klaseng magpinsan ba yan.
Seriously hindi talaga alam ni Eurich ang issue nila? Dapat alam niya kasi Park din siya, may karapatan siyang malaman kung anong issue yun, lalo na't magpinsan pa sila ni Jihu.
Hmm ewan ko ba kung saan nila hinuhugot ang mga galit nila sa isa't-isa.