Echoes of Yesterday's Dream | Chapter 4; Singer

@joreneagustin · 2025-02-13 12:09 · Hive PH

https://peakd.com/hive-188409/@joreneagustin/prologue-echoes-of-yesterdays-dream

https://peakd.com/hive-188409/@joreneagustin/echoes-of-yesterdays-dream-or-chapter-1-transferee

https://peakd.com/hive-188409/@joreneagustin/echoes-of-yesterdays-dream-or-chapter-2-cousin

https://peakd.com/hive-188409/@joreneagustin/echoes-of-yesterdays-dream-or-chapter-3-hurt

Background (6).png

JIHU’s POV

After that disgusting day, I went home annoyed with the things happened at the school. I put my bag on my bed and I took a shower.

I let those water wet my whole body, napayuko ako at isinandal ang kanang kamay sa pader sa harapan ko.

Just how fast the days changes, huh.

I feel at peace when I'm taking a bath. I can think of whatever I want without anyone disturbing me.

After a minutes, I rolled my towel on my waist and I went to my cabinet to find some clothes.
But my eyes darted at the box inside the cabinet.

Binuksan ko ang kahon na iyon at bumungad sa akin ang isang maliit na singsing, kumikinang ang silver na kulay niya pero nalulungkot ako dahil hindi ito ang gusto kong makita, hindi ito ang gusto kong bumalik…

I closed my eyes before some tears could fall down.

“Bakit ka naman nagtransfer dito Par?” kanina pa nangungulit itong si Billy, napakaraming tanong.

“Because of my parents…” tipid kong sagot sa kanya.

“Oh ganun ba?” nakangisi niyang sagot “Siguro dahil alam nilang nandito rin ang pinsan mo no?”

Natawa nalang ako at napailing…

“Oh! Huli ka, ang cool mo kapag tumatawa ka, Pare!”

“Bakla ka ba?” inis kong tanong dito pero umiling lang ito at itinuro niya ang kanyang mukha.

“Naku! Baka napakadaming nagkakagusto sa mukhang ito!”

“Na mga lalaki?”

“H-hoi! Tignan mo tong transferee na to.” narinig kong bulong niya “Mga babae, babaeng magaganda ang nagkakagusto sa kin no!” galit na sigaw niya dahilan para mapatingin ang lahat sa amin.

“So? Do you think I care?” pinagtaasan ko ito ng kilay at isenenyas na umalis.

“Walang ’ya! Badtrip yon ah!” narinig kong sigaw niya pabalik sa upuan niya.

Ilang minuto lang ay pumasok na ang music teacher namin, si Mr. John. Naalala kong ngayon pala siya mamimili ng tatlong singers sa klase namin.

Sino naman sana?

Narinig kong magaling kumanta iyong si Billy, baka isa siya sa mapipili. Kayang kaya niya ang suprano, base at alto. And if Mr. John will know it, I know he will surely get Billy as one of the singer.

_

Eurich Park’s POV

Singing…

Sir John started to choose from our index card he just jumbled! At ipinapanalangin ko ngayon pa lang na sana hindi mapili ang pangalan ko!

“Let’s start with Ms. Mamba.” napasinghap ako ng hangin at napatingin kay Hyena. Sesanghe! Alam kong magaling din siya...

She started singing with a soft and low voice,

“Kahit ikaw ay magalit
Sayo lang lalapit…
Sayo lang aawit,
Kahit na
Ikaw ay magbago na…
Iibiging pa rin kita
Kahit ayaw mo na…

Napangiti ako sa lambot ng boses niya kaya isa ako sa may pinakamalakas na palakpak noong natapos siya, isama mo pa ang malakas na cheer ni Jamila.

“Wooohu! Mukhang may pinaghuhugutan bhe! Sino ba yun?” pang aasar ni Jamila kaya natawa nalang ako sa upuan ko. Nasa kabilang banda kasi yung upuan nila at ako naihiwalay sa row nila. Medyo malapit naman ako kay Billy kaya ayos lang.

May mga tinawag pa si sir pero ang ilan ay pinatigil dahil medyo malabo daw ang boses nila hehe. Ganun ka straight to the point si sir!

Meron pa siyang mga tinawag na parang kambing ang boses dahil sa pakulot style nila.

Natawa na lang din ang klase.

“Okay next Mr. Martin, Aquil.”

Napatingin ako sa direction ni Aquil at mukhang wala siyang balak na tumayo. Pero hindi pwede yun kay sir John. He will not tolerate this kind of behavior, even if you're the richest guy in the world!

“Sing or ipapalinis ko sayo ang buong office namin?” masungit na sabi ni sir. I get it if he didn’t put ‘ibabagsak’ kita in his choices since some students here can buy their grades.

Walang nagawa si Aquil, tumayo siya at naglakad papunta sa harap.

Kung pwede lang sanang ipanalangin na mapahiya siya ngayon, ginawa ko na. Pero hindi eh, hindi naman sinasagot ang ganoong panalangin. At hindi naman ako kasing sama niya na pinapahiya ang mga taong wala namang ginagawang masama sa kanya.

He started singing and I think it's December Avenue song.

“Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa tuwing ako'y papalapit sa'yo
Maaari bang hingin ang iyong kamay?
Hawakan mo't huwag mong bitawan”

Malamig ang boses niya simula pa lang, aaminin kong magaling siya. Yeah I'll give it to him, my complement for him.

He didn’t put too much efforts but his voice is indeed amazing! Hindi ito nalalayo kay Billy!

“Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
Sa tuwing ako'y nakatingin sa'yo
Maaari bang huwag kang humiwalay
Dahil sandali na lang…”

“Darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin...
Kung hindi ngayon aasa bang maibabalik ang kahapon?”

Mukhang malungkot ang kantang ito, ganon na rin sa kumakanta. Pakiramdam ko damang dama niya ang kanta. At ang ipinagtataka ko ay bakit biglang tumahimik ang paligid? Hindi ba sila papalakpak o hihiyaw?

Nagpatuloy siya sa pagkanta at mukhang lahat ng kaklase ko’y damang dama siya.

“Kahit sandali, palayain ang pusong di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon
Na ika'y magiging akin.”

“Kahit sandali, palayin ang pusong di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa 'tin
Kahit sandali, patawarin ang pusong 'di tumigil
Para sating dalawa ang maling pagkakataon
Na ika'y magiging akin.”

“Bakit ang tahimik nila?” bulong ko kay Jhake na katabi ko.

“Malalim talaga ang pinaghuhugutan niyan si Aquil.”

“Bakit? Dahil ba nag break sila ng GF niya?”

“Fiance.” pagtatama niya sa sinabi ko “Hindi ka ba nanonood ng balita? Laman kaya ng news noong namatay yung fiance niya.”

“Bakit kailan ba?” I didn’t know since I'm at Korea that time, ngayon lang naman ako dito sa Pinas.

“10 years ag--

“10 years ago!?” nanlaki ang mata kong tanong kay Jhake! Sesanghe?

10 years ago!? Ilang taon na ba si Aquil ngayon? Kung kabatch nga namin siya…

8 years old palang siya noong may fiance na!? Oh sesanghe! Possible ba yun? Napakabata pa nila.

“Sorry, for your lost again, Aquil.” seryosong sabi ni sir “And thanks for singing. I like your voice.”

Alam ng lahat?

At bakit namatay iyong babae? Anong pangalan niya? Yun ba yung nabanggit noon ni Roexly o Vlad, si… ah! I forgot her name.

Sumunod na kumanta si Billy na alam naman ng lahat na magaling siya. Intro pa lang naghiyawan na ang lahat. Inaasar pa siya ni Paolo na pa sub daw haha. Alam kong isa ito sa makukuha.

Pero hindi matanggal sa isip ko si Aquil. Seriously? Pwede pa lang mag ka fiance sa murang edad? Samantalang ako, busy ako sa pag aaral at pakikipaglaro noon.

Sino nga ba ang mga kalaro ko noon? hehehe.

“Next Mr. Park Ji Hu” natigil ako sa pag iisip at napatingin sa likod, sa upuan ni Jihu. Nag angat siya ng tingin kay sir pero dahil naka tingin ako sa likod, nagtama ang tingin namin.

Will he make it?

Sandali pa siyang madilim na nakatitig sa akin, pero bumitaw siya at napabuntong hininga.

“Jihu?” tawag ulit ni sir kaya sapilitan niyang napatayo ay nagtungo sa harapan. “Ikaw yung new student? Well gwapo ka, pero pakita mo muna talent mo.” utos ni sir sa kanya at napipilitan siyang tumango.

“I don't know what to sing, sir.”

“What!?” halata na naiinis si sir sa sagot ni Jihu. “Pumunta ka dito sa harap na walang kakantahin?”

“Just recommend one song, sir.”

“Badtrip, paubos na yung oras.” mahinang bulong ko pero narinig pa ata ni sir at Jihu kaya ayan na naman ang madidilim niyang titig!

Napatingin si sir sa relo niya at napatingin din sa akin “Right, magduet na lang kayo, Ms. Park. Magpinsan naman kayo, may alam naman siguro kayong kanta no?”

“Ang tagal mo kasing kumanta.” inis na bulong ko kay Jihu pero madilim parin ang tingin niya sakin

“I’m just asking for recommendation, dumaldal ka pa kasi.”

“Anong kakantahin?” tanong ko sa kanya pero wala pa rin siyang sinasabi.

“There’s no choice.” I said and I looked at my classmates, and to those ex couples at the back “This song is dedicated to those ex couples who still love each other.” natatawang sabi ko, narinig ko naman ang hiyawan ng mga kaklase ko. At tukso ang inabot nila Jenny at Vincent sa likod.

“Hindi na naman mapakali
Nadadala sa himig ng gabi…”

Sinimulan ko ang intro at alam kong napipilitan din si Jihu.

“Andwae…” aniya

“No choice nga diba?” inis na sigaw ko dito.

“Umaapaw ang pusong hindi alam ang gagawin
Lumalalim na naman ang pagtingin
Sa nakaraang nakabinbin
Umaamin ang pusong ikaw pa rin ang laman ng damdamin…”

“Sana pag ika'y nakatingin sa buwan ay iniisip mo rin
Sana ang iyong bituin ay ang bituin ko rin
Sana makarating sa'yo o, naririnig mo ba?
Ang binubulong ng hangin na mahal pa rin kita…“

Naghiyawan ang mga kaklase kong babae sa boses ni Jihu, magaling din kasi siya. Natapos ang kanta at pareho kaming madilim ang titig sa bawat isa.

Natapos ang klase sa music pero tuksuan ang inabot nong mga kaklase naming walang talent sa music, hindi naman sila na offend sa pagiging pranka ni sir, tinatawanan na lang nila.

Pero sa kalagitnaan ng pagtawa ay may kumatok sa bukas na pinto, napalingon kaming lahat doon at nakita ko sina Lexie, Aereen, at Gella, ang kilalang ‘bullies sa school’. Hindi sila naka uniform, naka croptop and highwaist, dress, at skirt sila. Yung tipong parang sa fashion show sila papasok.

“Park Ji hu…” nakangising sambit ni Lexie, ang mga mata niya ay nakatuon lamang kay Jihu. Nakangiti sila, at walang pag-aalinlangan silang pumasok at dumiretso kay Jihu na blanko ang mukhang nakatingin sa kanila.

May tinignan sila sa phone nila, at tumitig ulit kay Jihu “O gracious! Siya nga!” rinig kong sigaw ni Gella at tumili naman si Lexie at Aereen.

I knew it!

“Anong kailangan niyo?” kahit medyo natatakot ay nilakasan ko ang loob kong lumapit sa tatlong babae sa harap ni Jihu. Ngumisi si Aereen at nanlisik ang mata ni Lexie sa akin.

“Baket? Ikaw ba si Jihu? Sino ka ba?”

“Class president. And if you don't mind, please get out.” malamig na utos ko.

“Huwaaw! Look at this acting president! Are you brat?” nakangising tanong nito sa akin, nakapamewang siya at napangiti kay Jihu.
Pero unti unting lumapit si Lexie sa akin at may ibinulong…

“You should know where you should stand, girl.” suminghap siya “Humanda ka.” nanggigigil na sabi niya kaya medyo kinabahan ako.

“Now Jihu, can we invite you later?” si Lexie kay Jihu.

“And who you?” malamig na tanong nito “Mind your own business, woman.” iritadong sagot ni Jihu pero mapilit si Lexie.

“I’ve followed all your socmeds. Singe--”

“SHUT THAT MOUTH UP!” Galit ngunit mahinang tugon nito kay Lexxie.

Parang gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko o tumakbo palabas para mawala sa harapan ng galit na si Jihu.

At hindi ako nagkamali, sa akin niya iyan isisisi!

“And you? Is that the way you lead this class! You always allowed everyone to enter! What kind of president are yo--”

Bago pa siya matapos ay nasapak ko na siya.
What does he mean? I admit that I'm not perfect in ruling this as class president. But I always do my best!

“You don't include your personal reasons here, Jihu! Don't dare to blame all to me, at ano naman kung malaman ng lahat na singer ka?! At natanggal ka lang dahil sa kawalang hiya---”

Mabilis siyang tumayo at malakas niyang naihampas ang kamay niya sa armchair.

“You call it what!?”

“Kawalang hiyang desisyon! I call it that.”

“Jinja?!” sarkastikong tanong niya at matalim niya akong tinitigan. “Neun jinja molla?” (hindi mo ba talaga alam?) “Or you're just being too much, that you dont even have the trust…” mabilis ang paghinga niya pagkatapos niyang sinabi yon, nilagpasan niya ako at mabilisan siyang lumabas ng classroom.

Napayuko ako at napailing na lang habang inaalala ang lahat.

“He is too much…”

‘Sana bumalik ka na lang sa Korea!’

To be continue...

Purple and Beige Gradient Cartoon Illustrative Romance Story Book Cover.pdf (1).png

#novel #writing #story #literature #hiveph #creativewriting #tagalogtrail #philippines #creativecoin #peakd
Payout: 0.000 HBD
Votes: 12
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.