Tanda mo pa ba ang gabing iyon? Malamig ang simoy ng hangin sa nayon Nagsasaya ang mga tala at buwan, Habang nagbibigay liwanag sa kalangitan
Mangha akong nakatingalaโt pinagmamasdan ang liwanag ng kurbang buwan Nang bigla kong marinig ang unti-unting ritmo mula sa kuwerdas ng igitarang iyong hinahawakan
Tinanong mo noโn kung anong paborito kong musika, Batid kong alam mo na at paulit-ulit mo pa ngang kinakanta sa tuwing hindi maayos ang nadarama Hindi ka talaga nagkulang sa akiโy pagpapasaya
โTumingala, Sinta, huwag mag-alala Sa mga pagsubok sa iyong daan Samahan mo ng mga ngiti Bastaโt subukan mo kahit di ka magwagiโ
Naalala ko noong unang beses mong pihitin ang mga kuwerdas para sa aking paborito, Kay bilis mong natutunan kung paano i-ayon sa ritmo Ngayon kabisado mo na rin ang mga liriko
Hindi ko mapigilan ang pagkurba ng ngiti sa aking mga labi Habang pinapakinggan ang iyong malamyos na tinig Na siyang nagpapakaba sa aking dibdib
Ang titigan ka kasama ang buwan sa kalangitan, ang paborito mong gitara, ang mapupungay mong mga mata, na para bang may itinatago, parang mascara.
Hindi ko maikukubli ang tuwa Noong binaybay mo ang mga salitang; โMahal kita, Saksi ang buwan at gitara Sa tapat na pag-ibig ko sa โyo, sinta.
โ๏ธ: Avis Dale (@joreneagustin)
pcttro (pinterest)