Nang muli tayong nagkita sa ating "Tagpuan"
Ako ay nagulat sa aking kinauupuan
Mga mata nati'y nagtama
Sa pagkakataong hindi sinasadya
Naramdaman ko muli ang dating nadarama
Sa tuwing tayo noo'y nagkikita
Bawat pagsilay sa ngiti ng iyong mga labi
Ako ay sadyang nabibighani
Lubos akong kinakabahan
Ngayong tayo'y magkaharapan
Aking katawa'y hindi maigalaw
Dahil sa kabang pumapaibabaw
Nag-umpisang bumuka ang iyong bibig
Sa pagpapahayag muli ng iyong "Pag-ibig"
Humingi ka muli ng isa pang pagkakataon
At ako nama'y agad na tumugon
"Oo" ang tanging aking nasambit
Dahil sa pagkawalay nating sinapit
Marahil mahabang panahon pa ang ating pagsasamahan
Sa kaligayahan man o kahirapan
Habang mga palad nati'y magkadaupan
Masayang nilisan ang ating tagpuan