Poetry Entry#2: Umasa

@mhelvilyn · 2018-08-16 12:21 · esteem

Hi steemit friends, just want to share to you my poetry #2. Enjoy reading

"Umasa" Written by: Mhelvilyn Gayetano

Umasa umasa umasa Isang salita limang letra Simpleng salita pero napakalalim ng ibig sabihin Katulad ng mga matang kay hirap paluhain

Umasa ako na akoy iyong gusto Umasa ako sa tinatagong feelings mo Umasa ako pagkat dahil gusto ko Umasa ako tangina ang bobo ko

Ewan ko ba bat ako nasasaktan Hindi bat ito ang aking kagustuhan Umasa ako sa walang kasiguraduhan Umasa ako sa taong kahit kailan hindi ako nagustuhan

Natrauma na ata ako sa salitang yan Natakot na umibig uli at baka masaktan Nagalit sa sarili pagkat nagkulang Nang dahil sa salitang yan buhay koy nasayang.

#untalented #steemitfamilyph #busy #poetry #steemit
Payout: 0.000 HBD
Votes: 36
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.