Poetry Entry#3: Talo

@mhelvilyn · 2018-08-19 11:48 · untalented

Hi steemians, this is the 3rd time I wrote poetry. Enjoy reading :)

"Talo" Written by: Mhelvilyn Gayetano

Ano nga ba sa tingin nyo ang meron sa Pagibig? Pagibig na nakakapagpasaya o nakakapagpalungkot? Pagibig na ewan kung saan nakuha Pagibig na kelan ay hindi naging tama

Naaalala mo pa ba nung una nating kilala Ambait mo sakin nun ng sobra sobra Nginitian kita kasi ang cute mo at muka kang matino Pero pag dating sa dulo ako ay iyong binigo

Hindi ko alam kung anong nangyari Nagulat nalamang ako at napangiti Nalaman sa iba na may nangyari Ako daw ay iyong nililigawan ngunit di mo saakin sinabi

Hinayaan ko iyon dahil trip kita nung una Ewan ko ba, di ko din alam tangina Lumipas ang araw at mas nakilala kita Sumabay ka saakin isang beses pauwi galing eskwela

Inasar ako ng aking kaibigan Pinalampas ko iyon at nakipagpaligsahan Unang mafall talo sa usapan Isang linggo lang ang aming batayan.

Tayo ay nagusap, nagchat, nagkamabutihan Nagkakilala at mas lalong nagkaintindihan Sabi ko sa sarili ko "Yes nanalo ako mukang sya unang nafall" Excited pako na ikwento sa mga kaibigan ko na sila ay natalo

Ngunit lumipas ang isang linggo ikaw ay hindi na nagparamdam Tumawa ako ngunit ako ay nasasaktan Nagkagusto ako sayo ng hindi ko alam Ayun iyak ubos pera dahil talo sa usapan

Inantay kita kahit muka nakong tanga Akala ko kasi nagaaral kalang talaga Naamin ko din sa sarili na sige pagbibigyan kita Pero anak ng teteng naman ako ay pinaasa

Tumigil ka at di nako pinansin Akoy nasasaktan ngunit diko maamin Tinry mo magmoveon pero wala talaga Nahulog na talaga ako sayo tangina mo ka!

Isang araw gumawa ako ng paraan Kinunstaba ko isa mong kabigan Pinatanong ko kung ikaw ay may nililigawan Ang sabi sa akin "Be wala daw, wala! mabilis kasi akong magsawa"

Ang sakit naman talaga ng kapalaran Nahulog ako sa larong akin dapat pakikinabangan Diko maintindihan kung anong nangyari Napaiyak nalang ako ng diko mawari

Tapos na nga oo tapos na. Ayoko nang saktan pa ang sarili ko ng sobra Siguro nga hanggang dito nalang ang istorya Istoryang unang nangyari sakin at nabigo pa.

Para sa lahat ng tao sa mundo Wag "aasa" yan ang payo ko. Wag makikipaglaro sa kahit kanino Lalo na't pag ikaw ang talo siguradong iiyak ka dito.

Ngayon tatanggapin ko na. Oo na! Oo na nga, na ako ay isang tanga. Umasa sa taong wala na mang pagasa Talo na ako sa laro. Talo na talaga.

#untalented #poetry #steemitfamilyph #busy #steemit
Payout: 0.000 HBD
Votes: 3
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.