Magandang araw mga kabayan!
Ngayon araw na ito ay napagdesisyunan kong sumali sa isang patimpalak na ginawa ni @jassennessaj.
Ito ay ang paglikha ng isang tula na may temang "Kalayaan".
Sa totoo lang ay ngayon lamang ako lilikha ng isang tula na isusumite sa isang patimpalak. Maikli lamang ito, ngunit sana ay magustuhan ninyo.
###
KALAYAAN
Malaya ako Malaya akong ibigin ka Malaya akong pagmasdan ang mga ngiti sa'yong labi Malaya akong tanawin ang mga mata mong nakangiti
Ngunit malaya ka din Malayang halikan ang lalaking iyong mahal Malayang titigan ang mga mata nyang sayo lang nakatanaw Malayang yakapin ang mga bisig nyang sayo'y nakagabay Malayang saktan ang puso kong nagmamahal
Malaya ka na Kalayaan mo ang ibigin sya
MARAMING SALAMAT PO!