Bumubulong sa hangin Ikaw sana’y mahagkan Gaano man kalayo Gaano man kahirap Ito’y aking ipaglalaban Kinakausap ang alapaap Tumitingala sa mga tala Hinihiling na tayo ang itadhana Pinipikit ang mata Mukha mo ang nakikita Makikislap na mata Mapupulang labi Kay tamis na ngiti Kay gandang binibini Sa aking dalangin Ikaw sana’y mapasa akin Sa tamang oras Sa tamang tyempo Magiging tama ang mali Magiging pwede ang hindi Walang alinlangan Totoong may kasiguraduhan Pagkat mahal kita, sobra At wala ng makakapigil pa
Filipino Poetry #09: Mahal kita, Peksman!
@oscargabat
· 2018-10-29 23:20
· esteem
#poetry
#pilipinas
#steemph
#esteem
#tagalogtrail
Payout: 0.000 HBD
Votes: 28
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.