Hindi ko alam kung paano Minsan ako rin ay nalilito Sumusugal ng hindi sigurado Tanong ko, “Makakaya ko kaya ito?”
Sa pagpikit ko sa gabi Kinakausap ang aking sarili Minsan, dumarating sa puntong ako’y nagsisisi At kailanma’y hindi ko ito maikukubli
Dumarating ang ilang umaga Araw at ulan ay lumipas na Ngunit pangarap ko ay asaan na? Kailan kaya kita makukuha?
Napapatingin sa itaas Gustong sumigaw ng malakas Baka sakaling marinig nya ang aking binibigkas At ang pinto nya sa akin ay magbukas
Ilang beses na akong nabigo Maraming pangarap ang nahinto Nawa’y dinggin sana ako At mukhang hindi ko na kakayanin ito
Ngunit tila pinagkaitan ako ng tadhana Unti unti akong nawalan ng pagasa Pagkatalo ay tinanggap ko na Siguro ito nga ang nakalaan talaga
Nawala ako sa tamang landas Hangga’t ako’y naging marahas Hindi kilala ang sarili sa minamalas Pagkat apoy sa puso ko ay tila di na magwawakas
Mapapait na karanasan Hangga’t naging madungis ang aking pangalan Kinutya ng karamihan Ngunit di nila alam ang aking pinagdaanan
Hangga’t isang araw Isang boses sa aki’y pumukaw Tila isang direksyon sa buhay kong naliligaw At ang dating malabo ay unti unting lumilinaw
Hangga’t nagising na lamang ako sa tunog ng kampana Suot suot ang aking sotana Rosaryo ay nakakabit sa aking bulsa Hawak ang krus at ang bibliya
At duon ko lang nakita Na ang buhay ay sobrang ganda Huwag ka lang makakalimot sa Kanya Pagkat habang may buhay ay mayroong pagasa.