
Pag magko-compare ako ng education noon vs education ngayon, di ko maiwasang maisip na *"Hala, dumating na ako sa point na para na akong parents ko dati pag sinasabi nilang sila dati, need pa maglakad ng mahaba para lang pumasok sa school."* haha Nakakatuwa tong prompt mo @tpkidkai, nananampal ng katotohanan tungkol sa age ko. Hahaha. Pasensya na pala at mejo late ang entry ko, nawala sa isip ko ang petsa dahil nabusy ako magturo at magpa workshop.
Anyways, ano ba ang kaibahan edukasyon noon sa edukasyon ngayon. Maganda tong topic at tingin ko ay malaki ang range ng comparison ko kung iisipin ko ang difference ng turo noong ako ang estudyante vs ngayon na meron na akong bulilit na estudyante. May mga pamangkin din naman ako sa traditional schools at nakiki update din ako sa mga pagbabago ng DepEd kaya kahit homeschooling kami, masasabi kong may valid akong comparison.
Isa sa mga nakita kong difference ay ang grading system. Noon, talagang may nababalitaan akong mga kapitbahay na may line of 7 sa card. Meron ding talagang bumabagsak. May mga naririnig akong pinalo ng tatay dahil di maganda ang numbers sa card. Ang mga guro, masasabi kong accurate ang grading nila kasi kung ano man ang na-compute nila, yun ang ilalagay nila. Kita ko ang *makulay* na report card ng classmate kong panay absent. Yung classmate ko namang tamad gumawa ng project, parang proud pa pag nakita nyang sumabit pa syang konti sa pasado pero konting kembot na lang, ligwak na.
Ang mga kaklase ko, kita kong binibigay nila ang best nila pero ang grades nasa high 80's lang. Sobrang saya na kapag may nakakuha ng 90 pataas. Pag nasa top section ka, mataas ang expectations sayo kaya malaking challenge din ang makakuha ng line of 9. At ang makakuha ka ng 90 pataas ay masasabi mong bragging rights talaga.
Ngayong panahon, lalo na ngayong buwan, napakarami kong nakikitang nagpo-post na ang grades ng anak nila ay 98 at 99 karamihan. Digital na kasi ang chismisan at bragging ngayon eh. Kumpara noon na ang hirap pumiga ng chismis. Ang nakaabot lang sa radar ko ay 94 or 95 ang general average ng valedictorian namin.
Sobrang tataas ng grades ngayon. Tingin ko, either pagod na ang mga teachers makipagtalo sa magulang na galit na sumusugod sa school kapag mababa ang binigay sa anak nila. Kawawa ang mga teachers kasi ngayon, kasama sa responsibilities nila ang i-appease ang galit ng mga magulang. Bakit kasi sa teacher nagagalit ang magulang kapag mababa grades mg anak nila? Hindi ba dapat anak nila ang mag adjust at mag effort?
Parang ngayon, magulang na ang gini-grade-an. Lalo na noong lockdown dahil magulang ang nangungunang *gumawa* ng mga performance tasks ng anak nila. May running joke sa isang FB group na *"Uy, ang taas ng grade ni mommy ganyan!"* Nakakatawa sya, pero kung magpapatuloy na ganun, parang nawawala na yung totoong essence at purpose ng grading. Naging pang bragging na lang sya. Or kung hindi naman, yung literal na pasang awa pero mataas yung binigay na grades para lang di mapahiya sa social media.
Noon, kailangan ng estudyante na ibigay ang isandaang porsyento nila sa bawat projects bawat assignments, bawat quiz para lang ma ensure na matutuwa ang parents at ang teachers nila para mataas ang grades nila. Ngayon, parents at teachers ang nag aadjust para sa estudyante. Anjan na kasi ang social media, mas mabilis na ang payabangan ng *"Yung anak ko, 99 sa Math!"* *"yung anak ko, puro 99 ang grades, konti na lang perfect na talaga sya."*
Masasabi kong ang medals noon ay mas may impact kesa sa medals ngayon. Napaka exxagerated naman kasi ngayon. Mas marami na kasi budget pambili ng medals ngayon kaya kahit best in attendance lang, medal na agad. Most polite, bigyan ng medal yan! Haha! Dati, ribbon lang nakukuha kapag Best in Math, Science English, etc. sa recognition day. Nagbibigay lang ng medal kapag graduation at talagang best of the best. Ang medals ko, nakuha ko sa competitions na sinalihan ko. Yung mga honors nung graduation namin, bilang mo lang ang medals na nakasabit sa kanila. Ngayon, ang dami kong nakasalubong sa mall na nakasabit pa ang sampung medals nila habang naghahanap naglalakad. Accessory yarn? Hahaha
Di ko naman sinasabi na mas deserve ng estudyante noon ang mga medals at matataas na grades kesa sa mga estudyante ngayon. Ang sinasabi ko lang, ang extreme ng difference. Noon, pahirapan ang grades, ngayon, well, pahirapan din naman siguro pero parang kulang na lang yung estudyante na ang magturo sa klase sa sobrang almost perfect na ang grades nila. And this is coming from someone na kinikuhang substitute teacher kapag may meeting ang Math teacher namin. And no, hindi ako nakakuha ng 99 noon. Mataas ang grades ko, pero hindi 99. Haha.
O, diba? Naging rant yung post ko. Sorry na Mars Oli. Isa ito sa reasons kaya kami homeschooling eh. Di umiikog sa grades ang goals namin sa schooling, kaya di kami pressured sa mga grades grades na yan. :)




Edukasyon Noon at Ngayon
@romeskie
· 2024-06-05 20:40
· Tagalog Trail
#tagalogtrail
#tagalog
#edukasyon
#hiveph
#philippines
Payout: 0.000 HBD
Votes: 176
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.