"Word Poetry Challenge #19 : Ulan"

@ryancalaunan · 2018-10-25 05:54 · wordchallenge

download (5).jpeg

Pinagmulan ng imahe: Google

Magandang araw sa inyung lahat!

Ako po ay lubos na nagpakasaya at muli akong nakapag steemit sa kabila ng napakabusy'ng mga skedyul. Narito po ang aking tulang handog sa inyong lahat.

Sumali po ako sa patimpalak ni kuya @jassennessaj. DQmNRYDZiw1sMR3tcGhRXK5ydaax9SsF342h3SVETiYrimb_1680x8400.png

Hindi ko malilimutan ang mga masasayang araw nating lumisan Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang mga ala- alang nakaraan Munting isipan namulat sa aliw sa may putikan Kaya sa tulang ito'y ating balikan ang araw na tayo'y nagkasama sa ulan.

Bata pa tayo noon nang makita kita sa may kakahuyan Kasama ng ibang mga bata aliw na aliw sa larung tagu tagu-an

Sabay sa laro ang pagtitinginan na habul-habulan Paano nga ba't ang pusong tuta nahalina sa iyong kagandahan

Nagkakilala tayo buhat ng ulan
Panahon na gustong gusto natin paglaruan Kahit na mga palaka nakisabay sa ingay ng ating halakhakan Nangangarap na sa pagtahan ng ulan di malilimutan ang pagsasamahan

Ngunit ang akalang magpakailanman Gaya ng kulog na labis kong kinakatakutan Sumapit na nagpalungkot sa aking pusong uhaw sa kasiyahan Na kagaya ng ulan kailangan mong lumisan

Di nagpaalam na kailangan mo na pala akong iwan Di nagpaalam na may dinadalang karamdaman Di nagpaalam na may pagdurusang pinagdaraanan Di nagpaalam kaya ako ngayon nakikisabay sa pag-iyak ng ulan

#wordchallenge #philippines #cebu #steemph #esteem
Payout: 0.000 HBD
Votes: 409
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.