Monday Short Stories & Poetry with @steemph

@steemph · 2018-11-19 01:21 · esteem

82h74xvbbf.jpg

Papayag ka ba?

...na alisin ang subject na Filipino sa College?

...na pag-aralan sa Grade 11 at Grade 12 ang Korean language?

Iilan lamang iyan sa mga isyu ng ating lipunan sa ngayon. Hindi ako magbibigay ng aking sariling opinyon. Bagkus mag-iiwan na lamang ng isang katanungan na susubok sa pagiging makabayan nating mga Pilipino.

Mahal mo ba ang iyong sariling wika?

Kung gan'on, ano ang maiaambag mo sa lipunan para lalong mapagyaman at malinang ang kahalagahan ng sariling wika?

Simulan na natin ang Curation.

20.png

Maria, Ikaw Ba'y Tunay na Malaya?

kz7y1eh98j.jpg

May angking talino. May angking talento. Mahinhin. Mayumi. Maganda mula sa loob hanggang sa labas. Maraming angking yaman. Kahali-halina. Iyan si Maria. Marami ang naaakit at nahuhumaling sa kaniya.


Word Challenge #:21 'Kalawakan'|Tagalog Edition

IMG_20181116_181633.jpg

Naglalakbay sa kawalan 'di alam ang patutunguhan. Nakalimutang may kumikinang, bilyung bituin sa kalangitan.


Word Poetry Challenge #21 : "Kalawakan"

g0novv3z5k.jpg

"Mahal kita", aking iwiwika sa iyo sinta Saksi ang asul na dagat, malalim at payapa Sa ilalim ng sinag ng buwang kay rikit Sa saliw ng hangin at tahimik na langit

20.png

Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

  • Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
  • Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
  • Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
  • Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
  • Ang mga posts hanggang sa ikatlong araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 3days old)

Antabayanan ang iba pang pagtatampok :

DAY TOPIC WRITER/CURATOR
Sunday Travel @rye05
Monday Short Stories & Poetry @johnpd
Tuesday Community Competitions @romeskie
Wednesday Finance @webcoop
Thursday Community Outreach @escuetapamela
Friday Food @iyanpol12
Saturday TBA TBA

johnpd.png

#steemph #esteem #poetry #pilipinas #filipino
Payout: 0.000 HBD
Votes: 407
More interactions (upvote, reblog, reply) coming soon.