"Aking Ina"
Sa mahigit siyam na buwan ako'y pasan walang masakit na salitang binitawan aruga na walang katumbas ay sa kanya ipinamalas
Mula sa araw na ako'y iyong isinilang haplos ng kamay ay sa akin bumuhay ang mga araw ko ay binigyan ng kulay napasambit ng ang sarap pala ng buhay
Mula sa sinapuponan hanggang sa pag labas araw at gabi pati ang pagtulog ako'y iyang hinihimas bantay ng pagmamahal iyong pinamalas kaya ngayon ako ay masigla at matalas
Wala ng hihigit pa sa iyo sa mundong ito dahil sa ang tindi ng pagmamahal mo puso't kaluluwa inalay mo mapasaya lang ako dahil sa siya ang magiting na aking Ina nagpalaki sa sumulat ng tula na ito.
Image Taken from Pixabay